^

Police Metro

Sexy vlogger pinaaaresto sa kasong cybercrime

Ludy Bermudo - Pang-masa

Agad nagpiyansa…

MANILA, Philippines — Isang warrant of arrest ang inilabas ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 laban sa vlogger at content creator na si Toni Fowler kaugnay sa kasong paglabag sa  Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ang kautusang ares­tuhin si Fowler ay kaugnay sa isinampang kaso ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) noong Set­yembre 27, 2023  dahil sa pagpapalabas ng music video na may halong kalaswaan.

Inirekomenda ng kor­te ang P120,000 piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Kabilang sa complainant ni Fowler na naghain ng reklamo sa Pasay City Prosecutor’s Office ay sina Atty. Leo Olarte, President ng KSMBPI; Atty. Mark Tolentino; at Atty. John Castrisciones, KSMBPI Director.

Iginiit sa reklamo na may mga kabastusang ginawa sa music video na kumakanta habang nagpe-perform ng kalaswaan at ang bahagi din na nagpapakita ng maseselang parte ng katawan ng lalaki.

Samantala, alas-4:30 ng hapon ay agad nang naglagak ng piyansa si Fowler sa sala ni Pasay City RTC Branch 108 Judge Albert Cansino, kaugnay sa inisyung warrant of arrest.

CYBERCRIME ­

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with