Psychological test posibleng dagdag requirement sa kukuha ng driver’s license - LTO

Ito ang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza at nakikipag-usap na sila sa Philippine Medical Association hinggil dito, pero hindi pa naman ito agad agad maipatutupad dahil maraming pag-aaral pa ang gagawin ng ahensiya upang maisama  ang pagdaragdag sa psycholo­gical test sa requirments sa pagkuha ng driver’s license.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na road rage sa bansa ay pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) na maisama sa requirement sa pagkuha ng driver’s license ng mga motortista ang ­psycho­lo­gical test.

Ito ang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza at nakikipag-usap na sila sa Philippine Medical Association hinggil dito, pero hindi pa naman ito agad agad maipatutupad dahil maraming pag-aaral pa ang gagawin ng ahensiya upang maisama  ang pagdaragdag sa psycholo­gical test sa requirments sa pagkuha ng driver’s license.

Sa Metro Manila, may higit 10 ng motorista ang naipatawag ng LTO na sangkot sa road rage na dinisiplina.

Show comments