Psychological test posibleng dagdag requirement sa kukuha ng driver’s license - LTO
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na road rage sa bansa ay pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) na maisama sa requirement sa pagkuha ng driver’s license ng mga motortista ang psychological test.
Ito ang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza at nakikipag-usap na sila sa Philippine Medical Association hinggil dito, pero hindi pa naman ito agad agad maipatutupad dahil maraming pag-aaral pa ang gagawin ng ahensiya upang maisama ang pagdaragdag sa psychological test sa requirments sa pagkuha ng driver’s license.
Sa Metro Manila, may higit 10 ng motorista ang naipatawag ng LTO na sangkot sa road rage na dinisiplina.
- Latest