^

Police Metro

47% ng pamilyang Pinoy na ‘mahirap’ tingin sa sarili — survey

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa
47% ng pamilyang Pinoy na ‘mahirap’ tingin sa sarili — survey
Dinagsa kahapon ng mga naghahanap ng trabaho ang Mega Job Fair na nagbabasakali na makakuha ng trabaho. Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang unemployment rate ng bansa ay bumaba nitong November 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 47 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang sarili na sila ay mahirap.

Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa simula Disyembre 8-11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas, mas mababa ito kumpara sa 48 porsyento ng pamilyang nagsasabing sila ay mahirap noong 3rd quarter ng 2023.

Ang bilang ng nagsasabing sila ay mahirap ay kumakatawan sa 13 mil­yong pamilya, mas mababa kum­para sa 13.2 milyon noong Setyembre 2023 at mababa pa rin sa 51 porsi­yento ng mga Pinoy na nagsabi na sila ay mahirap noong December 2022.

Bumaba rin sa 32 por­syento ang mga pamil­yang itinuturing ang sarili bilang food-poor o katumbas ng 8.9 milyong pa­milya.

Kamakailan, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo sa 22.4 porsyento ang po­verty rate ng bansa sa unang anim na buwan ng 2023.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 23.7 porsyento sa kaparehong panahon noong 2021.

vuukle comment

POOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with