PISTON patuloy ang kilos-protesta

MANILA, Philippines — Patuloy ang gagawing kilos-protesta laban sa PUV Modernization ng pamahalaan.

Ito ang naging banta ng jeepney group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kung  hindi papabor ang Korte Suprema sa kanilang inihaing petisyon.

Binigyaang diin ni Mody Floranda,pangulo ng PISTON na hindi ma­ngingibabaw ang isang executive order sa isang batas na ibinigay sa kanila ng Kongreso.

Samantala, sinabi naman ng Magnificent 7 na pabor sa PUV Moder­nization na  tatanggapin nila ang mga tsuper na hindi na makakapasada oras na  hindi na pahihintulutan ng LTFRB na makapasada ang mga jeep na hindi nag-consolidate.

Nagkakaisang sinabi nina  Obet Martin ng Pasang Masda, LTOP president Lando  Marquez, Altodap President Boy Vargas at Acto President  Libay de Luna na tutulungan ng kanilang hanay na makapagmaneho ang mga tsuper na mawawalan ng pagkakakitaan mula  sa grupong PISTON ni Floranda at  grupong MANIBELA ni Mar Valbuena.

Sa February 1, sinabi ng LTFRB na considered colorum na ang mga passenger vehicle na hindi nag-consolidate.

Show comments