30 motorista, LTO employee hinuli sa pagdaan sa busway

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 30 sasakyan ang tiniketan ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT matapos dumaan sa EDSA Busway sa Makati, kahapon.

Kabilang din sa mga natiketan ay ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO).

Aminado naman ang mga natiketan na bawal dumaan sa naturang linya ngunit wala raw silang choice lalo na’t nagmamadali dahil naiipit daw sila sa sobrang traffic.

Nagpaliwanag din ang taga-LTO na dumaan sa busway at sinabing akala niya ay may emergency dahil tukod ang traffic mula sa Ayala tunnel kaya dumaan siya sa busway para sana rumesponde.

Pero hindi umubra ang paliwanag niya at tinike­tan pa rin siya ng mga taga-SAICT ng disregarding traffic sign at paglabag sa panuntunan ng busway.

Show comments