^

Police Metro

Mayorya ng Pinoy, ayaw sa POGO – survey

Malou Escudero - Pang-masa
Mayorya ng Pinoy, ayaw sa POGO – survey
Ang survey, na isinagawa mula Disyembre 3 hanggang 7 noong nakaraang taon na may 1,200 respondents, ay nagpapahiwatig na 85% ng mga na-survey ay hindi pabor sa POGO operations sa bansa.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senador Win Gatchalian na lumitaw sa survey na isinagawa ng Pulse Asia Research Inc., na ma­yorya ng Filipino ang hindi pabor sa pananatili ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) sa bansa.

Ang survey, na isinagawa mula Disyembre 3 hanggang 7 noong nakaraang taon na may 1,200 respondents, ay nagpapahiwatig na 85% ng mga na-survey ay hindi pabor sa POGO operations sa bansa.

Batay sa survey, 82% sa National Capital Region, 88% sa Balance Luzon, 93% sa Visayas, at 75% sa Mindanao ay hindi pabor sa POGO operations. Pagdating sa class, 87% ng nasa ABC class, 85% sa D class, at 84% sa E class ay tutol sa operasyon ng POGO sa bansa.

“Ipinakita ng survey na 6% lamang ng mga na-survey sa buong bansa ang pabor sa operasyon ng POGO,” ani Gatcha­lian.

Ang mga pangunahing dahilan na binanggit ng mga respondent para sa kanilang hindi pagpabor ay ang pagtaas ng insidente ng krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese national (59%); paglaganap ng mga bisyo (56%); tumataas na bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa (48%); pag-iwas sa buwis na ginawa ng ilang POGO operators (39%); kakulangan ng oportunidad na ibinibigay sa mga Pilipino (34%); at pagtaas ng upa o ha­laga ng mga residential o business property (27%). Kasama sa iba pang mga kadahilanang binanggit ang isang paniniwala na ang pagsusugal ay laban sa Islam.

Nang tanungin kung paano dapat kumilos ang administrasyon ni Pa­ngulong Marcos upang malutas ang isyu ng mga POGO sa bansa, ang mayorya ng mga na-survey o 87% ang nagsabi na dapat wakasan ng gobyerno ang operasyon ng POGO sa loob ng 3 buwan.

WIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with