Subic Bay Freeport, Philippines — Nagbitiw sa kanyang puwesto si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Jonathan D. Tan kamakalawa, araw ng Biyernes makalipas ang walong buwan na panunungkulan.
Nagpaalam si Tan sa mga empleyado ng SBMA sa pamamagitan umano ng isang viber message.
Ilan pa sa mga proyektong nais sanang ipatupad ni Tan ay ang paglalagay ng mga e-buses, construction ng corporate center, smart community na malalagyan ng mga CCTV cameras at pagbuhay sa turismo sa Subic Bay Freeport.
Hahalili naman kay Tan si Eduardo Jose L. Alinio bilang bagong chairman and administrator ng SBMA.
Si Tan ay magsisilbi namang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Samantala, nanumpa na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Aliño bilang bagong SBMA chairman at administrator.
Si Aliño ay chairman ng Subic Bay Yacht Club na siya ring presidente at chairman ng S.T.A.R. Group of Companies. Siya rin ang chairman at president ng Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc. at Mega Equipment International Corp.