Magkaibigan niratrat sa tindahan, patay

Ang mga nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang sina JayR Burgos Matanguihan, 30, negosyante; at Mark Johndel Aguila Robles, 22, operator, kapwa residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang magkaibigan nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sa loob ng tindahan ng karne na pag-aari ng isa sa nasawi sa Brgy. San Jose, San Antonio, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang sina JayR Burgos Matanguihan, 30, negosyante; at Mark Johndel Aguila Robles, 22, operator, kapwa residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Tumakas naman patungo sa direksyon ng Tiaong Quezon ang suspek na nakilala lamang sa alyas Ikong.

Sa ulat ni San Antonio Municipal Police Station Chief, Hubert Reuben Jabrica, alas-12:50 ng madaling araw ay nakikipag-inuman ang mga biktima sa iba pa nilang mga kaibigan nang dumating ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

May hinahanap umano ang suspek at nang hindi makita ay nilapitan ang mga biktima at sinabihan ng “May problema ako, huwag kayong sumali” saka bumunot ng maiksing baril at makailang beses na pinaputukan ang dalawa.

Pinaghahanap na ang suspek na kinasuhan ng 2 bilang ng murder.

Show comments