MANILA, Philippines — Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) tungkol sa umano’y pagkamatay ng isang babae na sumailalim sa stem cell sa Quezon City.
Ayon sa report ng QCPD-CIDU, nagpa-stem cell ang 39-anyos na biktima na mula Valencia, Bukidnon sa isang klinika na matatagpuan sa EDSA, Brgy. Philam, Quezon City noong Martes, Enero 9, ala-1:00 ng tanghali.
Subalit, matapos ang gamutan ay nawalan ng malay ang biktima at nakaranas ng panginginig kaya’t isinugod ito sa isang ospital sa Quezon Ave. para mabigyan ng agarang lunas.
Subalit, alas-2:34 ng hapon nang ideklara itong patay ng doktor.
Lumilitaw sa death certificate na ang biktima ay namatay dahil sa “anaphylactic shock (immediate cause), gluthathione and stemcell intravenous infusion (antecedent cause) at chronic kidney disease stage V (Underlying Cause).”
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa kaso.