Apat baybayin sa Pinas mataas ang red tide toxins – BFAR

MANILA, Philippines — Pinagbabawal ng Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghuli, pagbebenta at  pagkain  ng mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa apat na baybayin sa bansa dahil mataas pa rin dito ang toxicity level ng red tide toxins.

Ayon sa BFAR,   positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang baybayin ng  Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte.

Bawal ding kainin ang alamang na mula sa nabanggit na mga baybayin pero maaari namang  kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango mula sa naturang mga baybayin basta hugasan at lutuing mabuti, tanggalin ang hasang at kaliskis.

Show comments