Widodo balik-Indonesia na
MANILA, Philippines — Umalis na kahapon si Indonesian President Joko Widodo sa Manila matapos ang kanyang tatlong araw na official visit sa Pilipinas.
Lumisan ang presidential plane ni Widodo sa Villamor Airbase pasado alas-12:40 ng hapon.
Nakipagpulong si Widodo kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., sa layuning palakasin ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa. Tinalakay din ng dalawang pinuno ang mga isyu sa South China Sea maging pagpapalakas ng border controls.
Bukod sa kanyang bilateral meeting kasama si Marcos, binisita rin ni Widodo ang Kopiko Philippines Corporation (KPC) – Laguna Plant sa Calamba, na isang Indonesian investment sa bansa.
Gayundin, nagtungo si Widodo sa W Hydrocolloids, Inc. – Carmona Plant sa Cavite kung saan inihayag niya na may potensyal ang Indonesia na mag-develop ng seaweed processing industry.
Umaasa ang Indonesian President na lalakas ang seaweed processing ng kanyang bansa na kalaunan ay maaaring i-export sa ilang bansa tulad ng Pilipinas.
- Latest