^

Police Metro

Minimum pasahe sa modern jeep, papalo sa P30-40

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Minimum pasahe sa modern jeep, papalo sa P30-40
A conductor of a modern jeepney called for passengers along Elliptical Road in Quezon City on September 17, 2022.
STAR / Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines — Posibleng pumalo sa 30 hanggang 40 pesos ang minimum na pasahe sa mga modern jeep para mabawi ang ipinambayad sa bagong unit.

Ito ang sinabi ni 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita upang mabayaran ng kooperatiba ang utang sa pagkuha ng modern jeepney.

Dumalo si Bosita sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa  public utility vehicle (PUV) modernization program sa Kamara.

Iprinisinta ni Bosita sa pagdinig ang payment plan ng Landbank of the Philippines para sa P2.8 milyong halaga ng modern jeepney.

Ang pautang ay may anim na porsiyentong interes kada taon at maaaring bayaran ng hanggang pitong taon.

“Ang monthly na dapat na ma-raise ng kooperatiba per unit is more than P40,000 or P1,800 or more per day. Hindi pa po kasama dyan yung fuel, facilities, coope­rative management, maintenance, and other mandatory expenses,” ani Bosita.

Sa kabuuan dapat umanong kumita ang isang modern jeep ng 7,000 pesos kada araw na posibleng maging dahilan ng pagsipa ng pamasahe.

Kasama sa mga du­malo ang mga opisyal­ ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

MODERN JEEPNEY

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with