MANILA, Philippines — “Aaksyunan nila sa loob ng 30 araw ang promosyon ng mga pulis.”
Ito ang tiniyak ni National Police Commission (NAPOLCOM) Chairman at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.
Ito’y sa isinagawang tradisyunal na New Year’s Call ng mga opisyal ng kagawaran at PNP sa kalihim, na isinagawa sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Abalos, titiyakin ng NAPOLCOM na hindi maaantala ang desisyon sa mga promosyon ng mga pulis, aprubado man ito o hindi.
Sinabi ng kalihim na batid niyang pinaghirapan ng mga pulis ang pag-angat ng kanilang ranggo kaya marapat lang na mabilis maaksyunan ang mga ito.