Higit 400 toneladang basura nahakot pagkatapos ng Traslacion
MANILA, Philippines — Nasa 407 tonelada ng basura o nasa 148 truck ng basura ang nahakot ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila mula Enero 6 hanggang Enero 10, 2023 mula sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa muling pagbabalik ng Traslacion.
Ito ang sinabi ni Atty.Princess Abante, Chief Communication ng Office of the Mayor, batay sa pinakahuling ulat ng Department of Public Services (DPS) nahakot sa loob ng limang araw.
Nasa 128 metriko tonelada ng basura na may katumbas na 46 na trak ang nahakot sa mismong araw ng Traslacion nitong Enero 9.
Noong 2023, nasa 265 metriko tonelada o 99 trak ng basura lamang ang nahakot sa buong selebrasyon ng Pista ng Nazareno.
Noong 2020, ang taon na huling idinaos ang Traslacion bago ipahinto dulot ng pandemya, nasa 394 metriko tonelada o 88 trak ng basura ang nahakot.
Sinabi ni Abante na patuloy pa rin kahapon ang paglilinis at pagsasaayos ng DPS sa mga lansangan na nadaanan ng ruta ng Traslacion.
- Latest