Driver-bodyguard ng inakusahang police major sa missing beauty queen, sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon sa pulisya sa Balayan, Batangas ang driver-bodyguard ng police major na inakusahan sa pagkawala ng beauty queen/teacher na si Catherine Camilon.
Si Jeffrey Magpantay, 33, ng Barangay San Roque, Rosario na umano‘y driver-bodyguard ng akusadong si Police Major Allan De Castro, kasama ang partner na si Strawbery Erilla ay lumutang kahapon ng alas-11:59 ng tanghali sa Balayan police station.
Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, Calabarzon police spokesperson na si Magpantay ay boluntaryong isinuko ang sarili at ilagay sa kustodiya.
Si Magpantay, Major De Castro at dalawang hindi pa kilalang lalaki ay kinasuhan na ng kidnapping at illegal detention sa Batangas provincial prosecutor office noong Nobyembre.
Si Magpantay at dalawang hindi pa kilalang lalaki ay nagtago ng halos dalawang buwan bago sumuko.
Ayon sa mga saksi na tatlong lalaki ang nakita nila na binubuhat ang duguan at walang malay na si Camilon mula sa gray na Nissan Juke para ilipat sa kulay pula na Honda CRV sa bayan ng Bauan noong gabi ng Oktubre 12.
Idinagdag pa ng saksi na ang isang lalaki na bumubuhat kay Camilon ang nakakakita sa kanila at tinutukan sila ng baril.
Ang nasabing gunman na may mga tattoo at maganda ang katawan na sa kalaunan ay nakilalang si Magpantay batay sa rogue’s gallery ng CIDG.
- Latest