MANILA, Philippines — Isang lalaking Taiwanese na pugante sa kanilang bansa dahil sa panloloko ang nadakma ng mga tauhan ng Immigration.
Ayon sa Bureau of Immigration, naaresto ang 26-anyos na si Yang Chia-Le sa residential area sa Bago Bantay, Quezon City noong Lunes.
Naaresto ito makaraang makatanggap ng impormasyon ang BI mula sa gobyerno ng Taiwan.
Miyembro umano si Yang ng telecom fraud syndicate na nagkukunwari na mga law enforcement agent.
Nabatid pa na overstaying alien na sa Pilipinas si Yang noon pang Agosto 2022.
“Fraudsters like Yang attempt to hide in the Philippines and sometimes attempt to transfer their operations here,” saad ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.