Manok, poultry products mula Belgium, France bawal sa Pinas
MANILA, Philippines — Ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng manok at iba pang poultry products mula Belgium at France sa gitna ng outbreak ng bird flu sa mga nasabing bansa.
Sinabi ng DA na ang poultry ban ay ipinalabas kasunod ng pag-uulat ng Belgium at France ng kani-kanilang outbreaks sa Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa domestic birds sa World Organization for Animal Health (WOAH).
Tinuran pa ng departmento na ang Belgium at France ay halos magkasabay na nag-ulat ng bird flu outbreak sa domestic birds sa WOAH.
Sa katunayan, isinumite ng Belgium ang report nito noong Disyembre 1, 2023, habang ang France naman ay nagsumite noong Nobyembre 30, 2023.
Winika ng Agriculture Department na ang pagbabawal sa poultry at poultry products mula sa dalawang nabanggit na bansa ay kailangan para mapigilan ang posibleng pagpasok ng HPAI-H5N1 sa Pilipinas.
“We’re doing this to protect the health of our local poultry population as well as poultry workers and consumers since H5N1 is a virus that can be transmitted to humans by infected animals,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Sakop ng ‘ban’ ang pagkuha sa kapwa domesticated at wild birds at maging ng poultry products kabilang na ang “poultry meat, day-old chicks, hatching eggs, at poultry semen” mula sa Belgium at France simula pa nito lamang Enero 8, 2024.
- Latest