MANILA, Philippines — Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mananampalatayang Katoliko na magdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong araw.
Hinikayat niya ang mga mamamayang Filipino na maging inspirasyon ang Pista ng Nazareno para palakasin ang pananampalataya sa Diyos, madiskubre ang kapayapaan ng kalooban at magkaroon ng bagong pag-asa.
“Beyond the extraordinary expressions of reverence that we see on display during this event, the festivities show us the love and sacrifice of Jesus Christ who willingly offered Himself to make us whole once more,” ayon pa sa Pangulo.
Sabi ni Marcos, isang kahanga-hangang selebrasyon ang pista ng Itim na Nazareno dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos sa tao.
Hangad naman ni Marcos na maging taimtim ang paggunita at maging mapayapa ang pagdiriwang sa pista ng Itim na Nazareno ngayong araw Enero 9.