^

Police Metro

Mga jeepney driver na mawawalan ng pangkabuhayan bigyan ng ayuda

Mer Layson - Pang-masa
Mga jeepney driver na mawawalan ng pangkabuhayan bigyan ng ayuda
Jeepney drivers and operators continue their protest against the government's Public Utility Vehicle (PUV) modernization program at a jeepney terminal in Pasig City on January 2, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Magbigay naman ng ayuda at pangkabuhayan sa mga tsuper ng jeep na mawawalan ng hanapbuhay bunsod ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ito ang naging panawagan ni House Deputy Majority Floor Leader Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na kung saan ay ilang libong mga driver daw ang mawawalan ng pagkakakitaan dahil sa modernization program.

“Sa datos mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 75% lang ng mga jeepney operators ang nagparehistro para sa nasabing programa,” ayon pa sa ACT-CIS Representative.

Aniya, “so, ilang libong jeepney drivers din ang mawawalan ng kita o hanapbuhay. Nararapat lamang na may nakahandang ayuda o pangkabuhayan para sa kanila at this point.”

Ayon pa sa mambabatas, naiintindihan daw niya ang sitwasyon ng pamahalaan na kailangan i-phase out na ang mga lumang diesel engine na mga jeep at palitan ng makabagong euro4 compliant vehicles para makabawas sa polusyon.

“Hindi naman lahat ng operator kaya bumili ng P2 million na modern jeepney. Kaya dapat may naka-ready na financial assistance sa ilang libong jeepney drivers at pamilya nila sa panahon na ito,” ayon kay Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, nariyan naman daw ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na handang ­umagapay sa mga tsuper na ito.

JEEPNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with