MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nasa likod ng umano’y mga lihim na pagpupulong para sa destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinawag ni Duterte ang nasabing bintang na “crazy” sa isang press conference sa Davao-based media.
“Sino namang g****** pulis o military ang makipag-meeting sa akin to destab,” giit niya.
“Bakit hindi ko ginawa yan when I was at the height of my… naging presidente na ako. For what purpose? To place somebody else in place of Marcos? I’m comfortable with Marcos. Why shall I replace him? And whom. Papalitan ko ba siya sa panahong ito ng buhay ko?”
“It’s either they are bulls******** around or plain insecurity,” dagdag pa ng dating pangulo.
Nauna nang pinabulaanan ng mga opisyal ng militar at pulisya ang umano’y planong destabilisasyon laban kay Marcos.
“Komportable ako kay Marcos. Bakit ko siya papalitan? At sino ako para palitan siya sa panahong ito ng buhay ko?” ani Duterte.