^

Police Metro

DENR Secretary, pamilya kinasuhan ng land grabbing

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng land grabbing sa Office of the Ombudsman si Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga at pamilya nito bunsod ng reklamong ihaharap ng nasa 1,000 magsasaka na miyembro ng grupong Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) na biktima ng umano’y “massive land grabbing” ng “Yulo King Ranch” (YKR) sa mga bayan ng Coron at Busuanga sa Palawan.

Ayon kay KASAMA-TK Spokesman Orly Marcellana, sa tulong ng kanilang legal counsel, dapat na umanong maimbestigahan ang kalihim at pamilya nito para sa karapatan ng mga magsasaka.

Aniya, ang kaso ay indikasyon ng pagkakaroon ng “conflict of interest” nang italaga si  Yulo bilang  kalihim habang umaabot sa 40,000 ektaryang lupain sa Palawan ang  umano’y nasakop ng pamilya.

Lumilitaw naman sa fact-finding and solida­rity mission report noong 2014 ang mga apektadong residente mula sa walong barangay na kinabibilangan ng Decalachao, Guadalupe, San Jose, San Nicolas sa Coron at Que­zon, New Busuanga, Cheey at Sto. Niño sa Busuanga.

Maging si ACT Party­list Rep. France Castro ay naghain ng resolusyon para magsagawa ng “investigation in aid of legislation” sa Kongreso hinggil sa isyu.

Una na ring inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kumpletuhin na ang pamamahagi ng land titles sa mga karapat-dapat na Agrarian Reform Be­neficiaries (ARB).

DENR

LAND GRABBING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with