Biktima ng paputok umabot sa 557
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 557 ang kabuuang bilang ng Fireworks Related Injury (FWRI) na naitala ng Department of Health (DOH) hanggang nitong alas-5:59 ng umaga kahapon.
Ayon sa FWRI Report 13, nadagdagan pa ng 114 bagong kaso kasama ang isang 10-buwan sanggol na pinakabatang biktima at 77-anyos na lalaki naman ang pinakamatanda.
Batay sa ulat, napinsala ang kanang mata ng 10-buwan gulang na sanggol na mula sa National Capital Region (NCR) matapos tamaan ng sinindihang kwitis sa loob ng kanilang bahay.
Nagtamo naman ng paso sa katawan ang 77-anyos na lolo mula sa Ilocos Region dahil sa inihagis na whistle bomb.
Sinabi ng DOH na ang paggamit ng paputok sa bahay ay panganib hindi lamang sa iyong sarili kundi sa iyong pamilya.
Nabatid na 98.6% na biktima ng paputok ay pawang mga lalaki.
- Latest