MANILA, Philippines — Mahigit 13,000 pulis ang ipapakalat para sa Traslacion o Kapistahan ng Poong Nazareno ngayong Enero 9, na gaganapin sa Maynila.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na inaasahan ang halos 2.5 milyong lokal at deboto na dadalo sa aktibidad.
“As of now, for our planning, we intend to deploy 13,691 police officers because, based on our estimated population, the number of attendees will reach 2.5 [million], but this number may change. We will also deploy our K9 units,” ani Acorda.
Nauna nang inihayag ng PNP na sinisilip nitong mag-deploy ng 5,602 police officers para sa walk of faith alone o prusisyon mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Bukod dito, pinaalalahanan din ng PNP top official ang publiko hinggil sa mga ipinagbabawal na kagamitan para sa taunang prusisyon.
“I would like to take this opportunity for the safety of our participants, [to remind them that] there are prohibitions. Like what we’ve discussed with the Quiapo church, attendees will be barred from bringing backpacks in controlled areas, and only transparent bags are encouraged. Bullcaps and umbrellas will also be prohibited, as well as liquid bottles and canisters – they should be transparent,” wika ni Acorda.