^

Police Metro

Number coding scheme ibinalik na ng MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinalik na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, truck ng basura, marked government vehicle, truck ng petrolyo,  marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with