^

Police Metro

Motor semplang sa pag-iwas sa aso, angkas todas

Cristina Timbang - Pang-masa
Motor semplang sa pag-iwas sa aso, angkas todas
Kinilala ang nasawi na si alyas Michael, nasa hustong gulang habang kritikal ang driver ng motor na nakilalang si Rodmar Crucer, nasa hustong gulang at residente Crossing Mendez, Tagaytay City, Cavite.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki na angkas sa motorsiklo matapos na iwasan ng rider ang tumatawid na aso dahilan upang mawalan ng kontrol at sumemplang, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si alyas Michael, nasa hustong gulang habang kritikal ang driver ng motor na nakilalang si Rodmar Crucer, nasa hustong gulang at residente Crossing Mendez, Tagaytay City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:50 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan binabaybay ng motorsiklo ng mga biktima patungo ng Crossing Mendez, Tagaytay City.

 May kabilisan umano ang takbo ng motorsiklo nang biglang may tumawid na aso at tinangkang iwasan ito, subalit nawalan ng kontrol ang motor at dire diretsong sumalpok sa gutter ng kalsada kung kaya tuluyang­ sumemplang ang mga ito.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with