MANILA, Philippines — Tinanggal sa pwesto ang isang pulis na nasangkot sa isang bus crash sa EDSA busway na ikinasugat ng limang pasahero matapos sumalpok ang sinasakyan nilang bus sa MRT railings sa Santolan, EDSA, Quezon City, kamakalawa.
“The PNP has initiated a thorough investigation into the incident. In line with this, the police officer involved has been relieved from duty pending investigation,” pahayag ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo.
Inisyuhan rin ang police driver na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ng ordinance violation receipt ng Quezon City Traffic Enforcement Group kaugnay ng reckless driving .
Sa viral video sa nangyaring insidente kamakalawa ay makikita ang biglang pagpasok ng isang police car sa linya ng EDSA bus way kung saan sa pagtatangka ng bus na iwasan ito ay sumalpok ito sa railings ng MRT sa bahagi ng Santolan, EDSA na ikinasugat ng limang pasahero.
Ayon sa DOTr, tanging mga on-duty ambulance, fire truck, at police vehicle lang ang maaaring dumaan sa EDSA busway.