MANILA, Philippines — Limang pasahero ang nasugatan nang bumangga ang isang bus sa rehas matapos nitong iwasan ang sasakyan ng pulis na papasok sa EDSA busway nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na ang mga nasugatang pasahero ay dinala sa Labor Hospital dahil sa mga tinamong gasgas at bukol.
Base sa CCTV footage, nakitang binagtas ng bus ang EDSA busway nang biglang may sumulpot na sasakyan ng pulis na pumasok sa busway at muntik nang mabangga ang bus.
Iniwasan ng bus ang sasakyan ng pulis at tumama sa bakod ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Santolan Station southbound.
Pinaalalahanan ng DOTr ang mga motorista na may otorisadong sasakyan na gamitin ang EDSA busway na mag-ingat at unahin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.