^

Police Metro

Online scams dumami ngayong Kapaskuhan - DILG

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Online scams dumami ngayong Kapaskuhan - DILG
Pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.
Philstar.com / EC Toledo

Publiko binalaan

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na mag-ingat laban sa pagdami ng mga online scams ngayong Kapaskuhan.

Pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng mga mamimili o consumers.

Ani Abalos, maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com na bagong website kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.

Ang I-ARC na nasa National Cybercrime Hub ay isang task force na binuo para maging sentralisado ang pag-uulat ng cybercrime sa gobyerno na kinabibilangan ng National Privacy Commission (NPC), National Telecommunications Commission (NTC), Phili­ppine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at National Bureau of Investigation Cybercrime Division bilang enforcement arm.

Anya, kailangan din ang kooperasyon ng mga consumers upang mahuli at makasuhan ang mga scammers na patuloy sa pagdami at hindi alintana ang panlalamang at panloloko sa publiko.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with