MANILA, Philippines — Umabot sa P4.019 trillion US$72.178 billion na kabuuang investment ang bunga ng mga naging foreign visits ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Base ito sa nakalap na impormasyon ng Presidential Communications Office mula sa Department of Trade and Industry.
Ayon sa DTI, kinapapalooban ito ng 148 mga proyekto, 20 dito ay nailarga na at nairehistro na sa Investment Promotion Agency (IPA) ng DTI at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Karamihan sa mga pamumuhunang ito ay nasa sektor ng manufacturing, IT-IBM, renewable energy, data centers at telecommunications.
Matatandaang sa bawat biyahe ni Pangulong Marcos Jr. sa abroad ay bitbit nito ang kaniyang economic managers at private business delegation na nakikipagpulong sa malalaking negosyante para hikayating mamuhunan ang mga ito sa Pilipinas.
Bukod sa mga naselyuhang mga pamumuhunan abroad, may mga dayuhang kumpanya na nag-extend ng kanilang umiiral na negosyo sa bansa, ang iba rito ay mga napirmahang memorandum of understanding, letters of intent at mga confirmed investments na hindi sakop ng MOUs at LOIs at kasalukuyang nasa planning stage.
Sinabi ng DTI na kasama sa pamumuhunang naipasok sa bansa ang resulta ng katatapos na US at Japan trips ng Pangulo nitong Nobyembre at Disyembre.