MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Agriculture (DA) batay sa round the clock na monitoring ng mga pagkain at bilihin sa mga pamilihan sa bansa lalo na sa Kalakhang Maynila partikular ngayong holiday season ay sapat ang suplay ng mga pagkain sa mga pamilihan tulad ng bigas, meat products, mga gulay, isda at prutas hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ang mga tauhan ng DA ay kasama ng mga tauhan ng DTI at LGUs sa pag-iikot sa mga pamilihan at upang matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa mamamayan at matiyak din na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng bilihin lalo pa’t mataas ang demand ng mga pagkain hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DA sa DTI at National Price Coordinating Council para matiyak na mananatiling stable ang suplay at presyo ng local products gayundin ay para matiyak na hindi dadagsa ang mga imported goods sa mga pamilihan.