E-wallet, electronic fund transfer ililibre sa bayad

Si Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan ay naghain ng House Bill (HB) 9749 o ang panukalang “Electronic Wallet and Electronic Fund Transfer Small Value Transaction Fee Waiver Act” na tinukoy ang maliliit na transaksiyon na nagkakahalaga ng P1,000 pababa.
File

Kapag P1K lang ang transaksyon…

MANILA, Philippines — Isang mambabatas ang nais na ilibre sa bayarin ang mga e-wallet at iba pang mga electronic fund transfer providers na nago-operate sa bansa sa bayad sa mga maliliit na transaksyon.

Si Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan ay naghain ng House Bill (HB) 9749 o ang panukalang “Electronic Wallet and Electronic Fund Transfer Small Value Transaction Fee Waiver Act” na tinukoy ang maliliit na transaksiyon na nagkakahalaga ng P1,000 pababa.

Nilalayon ng panukalang batas na ma-waive na ang pagbabayad sa mga maliliit na transaksiyon tulad sa pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng e-wallets, pagdedeposito at pagwi-withdraw gamit ang e-wallets gayundin sa paglilipat ng pondo mula sa e-wallet patungo sa mga bank account.

Ilang mga bangko ang nag-waive ng fees sa paglilipat ng pondo sa e-wallets na limitado bilang tugon sa panawagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na magsagawa ng pinansyal na pagbibilang sa bansa kung saan milyong mga tao ang walang bank account.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, sakaling mapagtibay ito, ang bayarin ay maiwe-waive o hindi na papatawan ng bayad sa halagang P1,000 sa mga maliliit na transaksyon.

Inihayag pa ng solon na karaniwang nagsasagawa ng maliliit na transaksyon ay hanay ng mga mahihirap kung saan bawat sentimo ay importante sa mga ito para sa kanilang mga pamilya.

Show comments