^

Police Metro

‘Liwanag, pagmamahal at pagkakaisa sa bawat pamilyang Pinoy’

Malou Escudero - Pang-masa
âLiwanag, pagmamahal at pagkakaisa sa bawat pamilyang Pinoyâ
Dagsa pa rin ang mga pasahero sa Northport Passenger Terminal sa Tondo, Maynila sa araw mismo ng Pasko na naghahabol na makauwi sa kani-kanilang probinsya upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, kahapon.
Ernie Peñaredondo

Christmas wish ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Hiniling sa pagdiriwang ng Pasko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. na sana ay magkaroon ng “liwanag, pagmamahal at pagkakaisa ang bawat pamilyang Pilipino.”

“Nawa’y magdala ang Kapaskuhan ng liwanag sa ating mga puso at mu­ling magbukas ng pintuan para sa pagmamahal at pagkakabuklod,” ani Marcos sa kanyang opisyal na Meta (Facebook) page.

“Mula sa aking pamilya, isang maligaya at mapagpalang Pasko sa inyong lahat,” dagdag ni Marcos.

Hinimok  din ng Pangulo ang mga mananampalatayang Pilipino na laging alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko at ma­ging instrumento ng pag-asa at liwanag para sa mga nangangailangan ngayong Kapaskuhan.
Sa kanyang mensahe sa Pasko, sinabi ni  Marcos na ang Pasko ay isang espesyal na okasyon para sa mga Pilipino kung saan nagpupugay  sa kapanganakan ni Kristo sa pamamagitan ng Simbang Gabi, pagbibigay ng regalo, at pagsasama-sama ng mga kaibigan, kamag-anak at mahal sa buhay.

CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with