MANILA, Philippines — Naging payapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Pasko ng sambayanang Pilipino.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, P/Col. Jean Fajardo, “generally peaceful” ang selebrasyon ng Pasko sa bansa at wala silang naitalang anumang “untoward incident” sa nakalipas na magdamag.
Samantala, sa mensahe ni PNP chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., tiniyak nito ang buong pusong paglilingkod ng kanyang mga pulis para sa peace and order at kaligtasan ng publiko.
Nakikiisa aniya ang mahigit 232,000 puwersa ng PNP ngayong yuletide season.
Gayunman, sinabi ni Acorda na hindi magpapaka-kampante ang pulisya at mananatili rin silang naka-alerto lalo’t bukas, ipagdiriwang ng CPP-NPA ang kanilang ika-55 anibersaryo.