Naputukan sa Kapaskuhan, pumalo na sa 28 – DOH

People watch fireworks illuminate the sky at Bonifacio Global City in Taguig, Metro Manila on December 22, 2023.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Anim na araw bago sumapit ang Bagong Taon, pumalo na sa 28 indibid­wal ang naputukan ng iligal na mga paputok, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ito ay makaraang madag­dagan ng 16 na bagong kaso ng naputukan ang talaan ng DOH sa Day 4 ng kanilang paglalabas ng FWRI (Fireworks Related Incident) Report.

Mula alas-6 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Dis­yembre 25, nakapagtala ng anim na naputukan kabilang ang isang nagtamo ng pinsala sa mata na nanonood lamang ng fireworks sa isang “designated area”.

Ang mga bagong kaso ay may mga edad na mula anim hanggang 35 taong gulang, kabilang ang isang babae.

Nasa 94% ng naputukan ay nangyari sa loob ng bahay o sa kalsada. Nasa 31% ang mula sa National Capital Region (NCR).

“The total count is now at twenty eight (28), with ten (10, 36%) cases having passive involvement,” ayon sa DOH.

Kaya paalala ng kagawaran, maging maingat pa rin kahit na nanonood ng putukan sa designated areas dahil sa hindi malalaman kung kailan mangyayari ang aksidente. Mas mainam umano na mga propesyunal ang mamamahala ng mga paputok habang tiyakin na nasa ligtas na distansya ang mga manonood.

Show comments