73 percent ng mga Pinoy naniniwalang magiging masaya Pasko ngayong taon – survey
MANILA, Philippines — Nasa 73% ng mga Pinoy ang naniniwalang magiging masaya ang kanilang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.
Ito’y ayon sa ulat ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nila sa kanilang official Facebook page nitong Sabado, Disyembre 23.
Base sa fourth quarter survey ng SWS, 6% naman daw ng mga Pinoy ang nagsabing magiging malungkot ang kanilang Pasko ngayong taon.
Samantala, tinatayang nasa 21% ang naniniwalang hindi magiging masaya ngunit hindi rin magiging malungkot ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.
“The 73% expecting a happy Christmas is the same as in 2022 and 23 points above the record-low 50% in 2020. It is still 6 points below the pre-pandemic level of 79% in 2019,” saad nila sa kanilang Facebook post.
Tinanong ang mga respondent ng open-ended question na “As Christmas and the end of the year approaches, may I know what one or two things are you most thankful for in your life right now?”
Isinagawa ang naturang survey mula Disyembre 8 hanggang 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.
- Latest