^

Police Metro

Kasong administratibo at kriminal sa mga nagpakalat ng video ni Ronaldo

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kasong administratibo at kriminal sa mga nagpakalat ng video ni Ronaldo
Litrato ni Ronaldo Valdez
Mula sa Instagram ni Ron Gibbs, na mas kilala sa pangalang Ronaldo Valdez

MANILA, Philippines — Magsasampa ng criminal at administrative charges laban sa mga nagpakalat ng video ng pumanaw na aktor na si James Ronald Dulaca Gibbs aka Ronaldo Valdez.

Ito ang naging direktiba ni Quezon City Police District (QCPD) General Red Maranan alinsunod sa naging panawagan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na masusing maimbestigahan at makasuhan ang mga responsable sa pagpapakalat ng naturang video.

Ayon sa QCPD, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ang video ay mula sa personnel ng Police Station 11 na siyang first responder sa crime scene.

Sa ulat naman ng Quezon City Anti-Cyber Crime Team, isa pang personnel ng PS 11 ang siyang nag-post ng video sa kanyang Viber group habang tatlong civilian Facebook accounts ang natukoy ring unang nag-upload sa Facebook ng video at compilation ng mga larawan mula sa insidente.

Habang ongoing ang cyber investigation, ni-relieve na sa posisyon ang PS 11 Station commander dahil sa posibleng command responsibility, maging ang dalawa pang opisyal ng istasyon.

Kabilang naman sa kasong kahaharapin ng mga ito ang paglabag sa P.D. 1829 (Obstruction of Justice); R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012, at Section 3, Paragraph K ng R.A. 3019.

RONALDO VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with