^

Police Metro

Pagtaas ng tensiyon sa West Philippine Sea, malaking hamon – Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pagtaas ng tensiyon sa West Philippine Sea, malaking hamon � Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on December 13, 2023.
PPA Photo by Yummie Dingding

MANILA, Philippines — Isa umanong malaking hamon sa mga katabing bansang Asian ang pagpipilit ng China sa South China Sea.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kailangan na ang Pilipinas at rehiyon ay dapat na humanap ng solusyon tungkol sa isyu sa South China Sea na tinawag din nyang pinaka-komplikadong geopolitical challenge na kinakaharap ng mundo sa kanyang pagdalo sa Tokyo, Japan para sa Asso­ciation of Southeast Asian Nations-Japan Comme­morative Summit na kanyang huling byahe para sa 2023. kaugnay sa tensyon sa South China Sea.

Sa kabila naman ng patuloy na tensyon sinabi ni Marcos na patuloy ang Manila sa pag-promote ng kapayapaan at komunikasyon sa dalawang bansa at lahat ng bansang sangkot dito.

Matatandaan na ang Pilipinas at China ay nagpapalitan ng akusasyon tungkol sa banggaan ng dalawang barko sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) habang patuloy ang tensyon dito.

Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea kabilang na ang exclusive economic zone ng Pilipinas at ang WPS matapos balewalain ng naturang bansa ang 2016 arbitral rulling na nagbabasura sa nine-dash line claim sa South China Sea.

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with