‘Pastor’ pumatay ng batang babae dahil sa lansones
MANILA, Philippines — Isang nagpakilalang pastor ang pinaghahanap ng mga otoridad matapos ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa isang 7-anyos na batang babae dahil lamang sa puno ng lansones, iniulat Sabado sa Digkilaan, Iligan City.
Kinilala ang suspek na si Alcomendeda Colaljo, habang hawak naman ng pulisya ang menor-de-edad na lalaki na umamin kasabwat ni Colaljo sa krimen.
Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng biktimang si Marian Superales, grade 1 pupil ng San Benito S. Ong Memorial School at residente ng Purok 7 Malaigang, Digkilaan, Iligan City.
Sa report ng Digkilaan Police Station 6, umamin sa kanila ang menor-de -edad na lalaki na kasabwat siya sa pagpatay kay Superales matapos nilang pagtulungan pagtatagain, ginilitan at binagsakan ng malaking bato sa mukha.
Sinabi ng suspek na itinago sa pangalang Totoy, nagalit si Colaljo sa biktima dahil pinakialaman nito ang puno ng lansones.
Huling namataan ang suspek sa Bukidnon at nagpapakilala na isa itong pastor.
- Latest