^

Police Metro

Full alert status, itinaas na ng PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Full alert status, itinaas na ng PNP
Members of the Quezon City Police District (QCPD) Station 10, salute during the singing of the Philippine National Anthem at the QCPD Kamuning Station in Quezon City on.

Para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon...

MANILA, Philippines — Itinaas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang Full Alert Status sa kanilang hanay bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Na ang ibig sabihin ay ipatutupad na rin ng PNP ang “No Leave Policy” sa kanilang hanay na regular naman nilang ginagawa sa Kapaskuhan upang tiyakin ang seguridad at kaayusan ng bansa.

Kaya’t humigit kumulang sa 40,000 mga pulis ang ipakakalat para magbantay sa iba’t ibang komunidad saan pang panig ng bansa lalo’t sasabay din dito ang ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.

Gayunman, katuwang ng PNP ang mga tropa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Local Government Units (LGUs), at Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) bilang force multipliers.

Maliban dito, ipinakalat na rin ng PNP ang nasa 436 nilang Police Service Dogs na siyang makakatuwang ng PNP para sa explosives at illegal drug detection upang masigurong ligtas ang magiging biyahe ng publiko sa panahong ito.

Payo ng PNP sa publiko, maging maingat din sa pamamasyal, pamimili at  pakikihalubilo upang maiwasan ang anumang insidente.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with