Sen. Go kinilala ang papel ng electrical engineers
MANILA, Philippines — Kinilala ni Sen. Bong Go, ang papel ng mga electrical engineer sa pagbuo ng bansa sa ika-48 na Taunang Pambansang Kombensiyon at 3E Xpo ng IIEE sa Pasay City na dinaluhan nito.
Sa temang “IIEE @ 48: Sama-samang sumusulong habang hinahayaan natin ang daan tungo sa mundo ng mga pagkakataon at mga digital na inobasyon, pinagsama-sama ng kaganapan ang mga inhinyero at propesyonal mula sa industriya upang talakayin ang mga pinakabagong pagsulong at inobasyon sa larangan,” wika ni Go.
“Nakakabilib ang inyong dedikasyon sa propesyonalismo at pagpapabuti ng inyong kaalaman. Ang inyong pagtitipon ngayon ay hindi lamang isang pagkakataon upang magbahagi ng mga bagong kaalaman at teknolohiya, kundi isang pagkakataon din para magkaisa at magtulungan para sa mas ligtas at mas maunlad na hinaharap,” dagdag nito.
Patuloy na pinuri ni Go ang mga inhinyero sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagbuo partikular na sa pag-unlad ng bansa.
Kinilala rin niya ang papel na ginagampanan ng IIEE sa paghubog ng tanawin ng electrical engineering.
“Nais kong bigyang-diin ang kahalagahan ng inyong propesyon hindi lamang sa aspeto ng teknolohiya, kundi pati na rin sa pagtulong sa ating komunidad. Ang bawat isa sa inyo ay may mahalagang papel sa paghubog ng ating lipunan,” ani nito.
Pagkatapos ay ipinahayag ng senador ang kanyang suporta sa mga panukalang batas na makapagpapasulong ng kanilang propesyon.
Sa kanyang pagbanggit ng lumang Republic Act No. 7920, or the New Electrical Engineering Law, ani niya, “Kung kailangan mong i-amend, kung meron kayong suhestiyon, ay bukas po ang aking opisina.”
- Latest