MANILA, Philippines — Idineklara kagabi ng Malacañang na special non-working holiday ang Disyembre 26, 2023.
Sa Proclamation No. 423 na nilagdaan para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklara ang Disyembre 26, Martes bilang karagdagang holiday upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na maipagdiwang ang holiday kasama ang kanilang pamilya.
“Whereas, the declaration of 26 December 2023, Tuesday, asn an additional special (non-working) day will give the people the full opportunity to celebrate the holiday with their families and loved ones.”
Nakasaad din sa proklamasyon na mahihikayat ng mahabang weekend ang mga pamilya na magsama-sama at lalong patatagin ang kanilang relasyon.