^

Police Metro

Barko ng Pinas binomba uli ng tubig ng China

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Barko ng Pinas binomba uli ng tubig ng China
Handout photo from Philippine Coast Guard shows a China Coast Guard vessel firing a water cannon at a Philippine boat on a resupply mission.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni ­Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tariella, ang panibagong insidente ng pag-water canon at pagbangga ng sasakyang pandagat ng China Coast Guard sa rotation and reprovisioning (RORE) mission ng Pilipinas para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Commodore Tariella, habang nagsasagawa ng regular resupply mission ang barko ng Pilipinas na BRP Cabra kasama ang civilian vessels na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan, panibagong aggression muli ang dinanas nito sa ilalim ng Chinese Coast Guard kung saan muling binomba ng tubig ang barko ng Pilipinas na nagresulta sa pinsala sa engine ng M/L Kalayaan.

Pinabulaanan din ni Tariella, ang alegasyon ng CCG, dahil ang vessel umano ng China ang bumangga sa Unaizah Mae

Ang ulat na ito, ay panibago muli sa mga aggression ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa na sang-ayon na rin sa 2016 UNCLOS Arbitral Award.

Nitong Sabado ay walong ulit na binomba ng CCG ang tatlong barko ng BFAR na nasa gitna ng supply mission patungo sa Scarborough Shoal.

CCG

PCG

WPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with