Chinese envoy palayasin, ideklarang persona non grata

Journalists onboard the Philippine Coast Guard ship 'Melchora Aquino' take video and photos of a Chinese Coast Guard ship (C) sailing near a Philippine vessel (L) that was part of a convoy of civilian boats in the disputed South China Sea on December 10, 2023.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dapat nang pauwiin sa kanilang bansa si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil ang kanyang mga pahayag laban sa gobyerno ng Pilipinas ay lalo lang nagpalala sa tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna na patuloy na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Senador Joseph Victor Ejercito kasunod nang bagong pangha-harass ng Chinese maritime militia laban sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels na naghahatid ng supply para sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) off, lalawigan ng Zambales noong Disyembre 9.

Nauna nang sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na tatlong barko ng BFAR ang bagong target ng water cannon attack ng Chinese Coast Guard (CCG) at inilarawan ang pag-atake bilang iligal at hindi makatao.

Ayon kay Ejercito, ang muling paggamit ng water cannon ng CCG para pigilan at harangin ang mga barko ng Pilipinas ay hindi ‘isolated incident’ kundi bahagi ng kanilang pambu-bully na lagi nilang ginagawa nitong mga nakalipas na buwan.

Dagdag pa ng senador, maituturing na walang puso at hindi makataong paraan ang paglalagay ng inflatable boats ng pwersa ng Tsina sa ating karagatan para palayasin ang mga bangkang pandagat ng mga Pilipinong mangingisda na naghihintay lamang ng suplay ng pagkain.

Show comments