MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga motorista matapos na ianunsyo ang muling pagbaba ng mahigit P1 sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene kada litro sa susunod na linggo.
Ayon sa mga oil players, ang oil price rollback ay dulot ng naging galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado sa nagdaang apat na araw.
Ang projected price adjustments batay sa oil industry estimates ay bababa ng P1.60 hanggang P1.80 kada litro ang gasolina, P1.70 hanggang P1.95 kada litro ang baba sa presyo ng diesel at P1.35 hanggang P1.45 kada litro ang rollback sa presyo ng kerosene.
Tuwing araw ng Martes, naipatutupad ang oil price adjustment.