Mga namatay sa Antique bus tragedy, umakyat na sa 18

Photo of emergency responders during a search and retrieval operations after a Ceres bus unit fell of a ravine in Hamtic, Antique last December 5, 2023.
Released / Iloilo City Emergency Responders - ICER and USAR

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 18 ang namatay sa Ceres bus trage­dy sa bayan ng Hamtic, Antique, ayon sa PDRRMO-Antique

Ito ay matapos bawian ng buhay ang isa sa mga pasyen­te na unang binalitang nasa kritikal ang kondisyon.

Ang ‘latest death’ ng Ceres bus tragedy sa Antique ay babae at namatay sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.

Sa ngayon,ayon sa PDRRMO, 4 ang nasa mabuti nang kalagayan; 4 naman ang nasa ‘improving condition’; at dalawa ang ‘under close monitoring’.

Kung matatandaan, pasado alas-4:00 ng hapon, Disyembre 5, nang mangyari ang trahedya kung saan nahulog sa bangin ang isang Ceres bus mula Iloilo sa Barangay Igbucagay, bayan ng Hamtic.

Sasagutin naman ng Vallacar Transit Incorporated, may-ari ng nahulog na Ceres Bus, ang medical at burial expenses ng mga naging biktima ng nasabing trahedya.

Ayon sa ipinalabas na statement ng management ng Vallacar, meron na siling personnel-on-stand-by sa mga ospital kung saan nagpapagamot ang mga biktima para sa update at karagdagang assistance.

Show comments