^

Police Metro

‘No permit, no exam’ policy, ipinagbawal ng Kongreso

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ratipikahan ang bicameral conference committee report ng Senado at Mababang Kapulungan ay tuluyan nang ipinagbawal ang “no permit, no exam” policy sa lahat ng paaralan.

Ginamit ng report ang Senate Bill NO. 1359 at House Bill No. 7584 na naglalayong ipagbawal sa lahat ng educational institutions ang “no permit, no exam” policy na lubhang nakakasagabal sa pag-aral ng estudyante.

“The Senate and House panel unanimously agreed on this version and fully support[ed] the Coordinating Council of Private Educational Associations in prohibiting the no permit, no exam policies in so far as disadvantaged students are concerned,” ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero sa plenary session nitong Miyerkules, Disyembre 6.

Upang makatipid ng oras, ipinanukala ni Escudero na isingit sa records ng sesyon ang joint explanatory statement ng committee conference sa disagreeing provisions ng batas.

Inaprubahan ng kanyang mosyon, saka inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mosyon para sa pagpapatibay at ratipikasyon ng report.

Walang tumutol sa lahat ng senado na dumalo sa sesyon kaya’t naaprubahan, naratipikahan at pinagtibay ang report.

Ayon kay Escudero, isponsor ng SBN 1359 na tinagurian niyang pinakamalupit na multa ang “no permit, no exam” policy.

POLICY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with