MANILA, Philippines — Tunay, tapat at totoo ang paglilingkod sa publiko ng pahayagang Pang Masa (PM) ng Philstar Group Publication.
Kay bilis ng panahon, kay bilis din ng pagbabago at pag-upgrade ng technolohiya, kapag hindi ka maagap, mapamaraan, maabilidad at madiskarte ay mapag-iiwanan ka.
Pero ang ating pahayagan na Pang Masa ay patuloy na sumasabay sa bilis na takbo ng buhay ng bawat isang Pilipino.
Dumating man ang mga unos at bagyo ay nananatiling nakatindig at tinatangkilik ng masang Pilipino ang PM.
Lahat nang nakasabayan sila ay hindi na mababasa at lalong hindi na rin nabibili sa bangketa.
Hindi tulad ng Pang Masa (PM) ay nakatindig pa, patuloy na lumalaban at napagtatagumpayan ang agos ng buhay.
Ngayong pag-usbong at pagsikat ng social media, isa sa una ang PM, kasama ang Pilipino Star NGAYON (PSN), Philippine Star at iba pang sister company ng Philstar Media Group ang nababasa ng masang Pilipino saan man dako ng mundo.
Lahat ng pahina, mula sa News, Movie, Sports, Kolum, Editorial, Libangan at iba pa ay maaaring mabasa sa website ng Pang Masa.
Marami ang nagsasabi na “Newspaper is a dying Business” pero ang PM ay nakakuha ng solid na mambabasa dahil tunay at totoo ang iyong mababasa kaya marami pa ang bumibili ng Pang Masa.
Establish na rin ang social media platform ng Pang Masa na ngayon ay bumabandera, dahil ang lahat ng mababasa sa print ay nasa website na rin ng PhilStar.
Para sa hindi pa nakakabatid ng website ng Pang Masa, pumunta lang po kayo sa google at i-type ang PhilStar, lilitaw na ang lahat ng pahayagan ng Philstar Media Group.
I-click ang Pang Masa, kumpleto ang makikita, mababasa at updated ang bawat pahina.
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta, tumatangkilik at nagbabasa sa pahayagang Pang Masa (PM).
Father GOD, Salamat po sa lahat ng biyaya, gabay, grasya at pagpapala ninyo sa lahat ng bumubuo ng Pang Masa.