MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng alas-4:23 ng hapon.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay nasa 060 kilometro ng timog silangan ng Lubang,Occidental Mindoro.
Umaabot sa 079 kilometro ang lalim ng lupa sa naturang lindol.
Ayon sa Phivolcs, ang paggalaw ng Manila Trench ang ugat nang naganap na paglindol.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Lubang,Occidental Mindoro, Puerto Galera, Oiental Mindoro at Intensity 4 sa Makati City, Quezon City, Taguig, City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, Bulacan; Floridablanca, Pampangga, San Jose, Batangas , City of Tagaytay, Cavite.
Intensity 3 sa Caloocan,Pasig, Cuenca,at Talisay, Batangas, Bacoor at General Trias,Cavite,Rodriguez, Rizal,Mamburao, Occidental Mindoro, Intensity 2 – Marikina; City of San Jose Del Monte, Bulacan; Gabaldon, Nueva Ecija; Lucban,Quezon; San Mateo, Rizal; Odiongan, Romblon at Intensity I sa San Fernando, Pampangga ; San Pedro, Laguna; Mauban, Quezon.
Ayon sa Phivolcs asahan na ang aftreshocks kaugnay nang naganap na pagyanig.