^

Police Metro

Pagbibigay ng ayuda sa mga OFW na may kaso, aprub sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pagbibigay ng ayuda sa mga OFW na may kaso, aprub sa Kamara
Passengers queue at the various gates of the NAIA Terminal 3 in Pasay City on October 29, 2022.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara de ­Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalawig sa tulong na naibibigay ng ­gobyerno sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na nangangailangan ng legal assistance. Pinaboran ng 246 Kongresista ang House Bill 9035 na naglalayong paramihan ang mga OFW na nakikinabang sa Legal Assistance Fund (LAF) at sa Agarang Kalinga at Saklolo Para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bilang mga bayani ng modernong panahon dahil sa kanilang kontribusyon sa bansa makatwiran lamang na sila ay tulungan ng gob­yerno.

Anya, sa pamamagitan umano ng panukala ay matutulungan ng mga OFW sa lahat ng yugto ng kaso mula sa imbestigasyon hanggang sa matapos ito.

Aamyendahan ng HB 9035 ang Republic Act (RA) No. 8042, o ang “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.”

Sa kasalukuyan, ang LAF at AKYSON Fund ay maaari lamang gamitin na pambayad sa mga dayuhang abogado na kinuha upang tulungan ang OFW, paghahain ng kaso laban sa mga abusadong employer, pagpipiyansa, at iba pang gastos sa paglilitis.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with